Sunday, 27 September 2015

PAGSILANG NG MGA MAKABAGONG WIKA, DULOT AY PAGKALIMOT SA KULTURA


KALIGIRAN/PANIMULA

Iyo pa bang ginagamit ang nakagisnang wika? O  tuluyan mo na itong binalewala? Ang sariling wika ay sumasalamin sa kulturang ating kinagisnan. Sa pamamagitan ng wika nakikilala ang kultura ng isang bansa. Dahilan sa ito ang nagbibigay ng titulo , katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo. Ngunit sa pagbabago ng panahon, nagkakaroon din ng pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng paglimot sa kulturang  iningatan ng ating mga ninuno.
Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba pa.  Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita  na hindi nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan. Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”.  Ang pagnanais na makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo ang mga salitang pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang ibig sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”. Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa bansa.  
Ang isyung ito ang lubhang makakaapekto sa kulturang kinagisnan sa oras na hindi natin gamitin ang sariling wika. Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na napagtutuunan ng pansin ang wikang Pilipino halimbawa na lamang ang mga wika sa mga literaturang Ibong Adarna kung susuriin marahil wala pa sa kalhati ng mga salitang naroon ang alam natin ang ibig sabihin. Ito ay dahil nasakop na ang ating isipan ng makamodernong salita. Ang isyung ito magdudulot ng kalituhan sa ating pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
Pagsilang ng maka modernong wika, dulot ay paglimot sa kultura. Ito ay kahalintulad lamang ng Wikang Pilipino; tangkilikin o limutin? Sa pagsilang ng makabagong wika natatabunan nito ang kultura ng bansa. Nawawalan na ng pagkakakilanlan sa ating sarili. Nasakop na tayo ng makamodernong mundo kaya’t nalilimutan na natin ang mga bagay na mayroon tayo. Ang mungkahing titulo ay nagsasad lamang kung hahayaan ba nating ibaon na lang sa limot ang kulturang pinaghirapang ingatan at pagyamanin ng ating mga ninuno. Mananatili na lamang ba itong bahagi ng sinaunang kasaysayan o tatangkilin natin ito at pagyayamanin upang ang kulturang kinagisnan ay hindi malimutan?

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN
 Sa  panahon ngayon, samu’t saring salita ang umiiral sa bansa dahilan sa modernong panahon, na nagdudulot ng kalituhan sa mga tao ukol sa orihinal na ibig sabihin ng salita. Laganap sa iba’t ibang uri ng media gaya ng mass media , social networking sites at iba pa ang mga salitang na kung tawagin ay terminong kabataan na tila palaisipan para sa mga matatanda kung anu ang mga ito. Ang mga salitang ito ay hindi pormal. At nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng taong hindi gumagamit ng modernong wika. Dahilan dito ang kulturang Pilipino ay tila natatabunan na. Lahat ng ito ay dahil sa modernong salita, na kung hindi mabibigyang pansin ay magiging harang  upang ang kulturang kinagisnan ay mapayabong pa. Kung kaya’t nararapat lamang na mapag usapan ang epekto ng modernong salita sa kultura upang mabigyang solusyon ito.
Ang payak na mithiin ng koseptong papel na ito ay ang matulak ang mga Pilipino na buksang muli ang pag iisip  at gamitin ang wikang kinagisnan. Ang pagnanais na lubusang mabigyan ng linaw ang kahalagahan ng Wikang Pilipino at ang ugnayan nito sa pagpapayaman ng kultura ng bansa. At minimithi nitong makuha ang sagot sa mga katanungang nabubuo sa isipan ng tao ukol sa modernong wika.
Ang papel na ito ay may pangkalahatang layunin na, malaman ang naidudulot ng pagkakaroon ng modernong salita sa kulturang kinagisnan. Sinasaklaw nito ang mga tiyak na layunin. Una, Malaman ang mga kadahilanan ng paglaganap ng mga modernong salita. Pangalwa, ang mabatid ang mga konkretong epekto o naidudulot nito sa kulturang Pilipino at pangatlo, ang makapagbigay ng solusyon ukol sa isyu.

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA 

Ang pagbabago ay lubusang nakakaapekto sa isang bagay. Pagbabagong hatid ay positibo o di kaya’y negatibo. Sa panahong ang mundo ay gumagalaw na sa mga makabagong instrumento ng teknolohiya gaya ng media aktibo na ang mga kabataan sa makamodernong wika. Anong epekto ang madudulot nito? Diba pagkakaroon ng kaibahan sa kulturang kinagisnan o di kaya’y tuluyang paglimot sa kultura. Kung kaya’t ang konseptong papel na ito ay naglalayong mapagtibay ang aming napiling isyu patungkol sa pagbabago ng wika. Nais naming maipahayag kung ano ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan na higit na nakakaapekto sa ating wika. Ang pag-aaral na aming gagawin ay gagawin sa pamamaraang deskripto-analitik. Bibigyang kahulugan nito o ilalarawan at suriin ang pagbabagong nagaganap sa wika sa makamodernong panahon at ang epekto nito sa kultura. Upang pagtibayin ang gagawing pag aaral ang papel na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey kwenstyuner upang makahanap ng mga datos na maglalaman ng mga sanhi ng pagkalap ng makamodernong wika. Hindi lang ditto iikot ang pagkalap ng impormasyon magsasagawa din ng pananaliksik sa iba·tibang sa mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang datos o impormasyon gamit ang internet. Ang mga salitang gagamitin ay pormal at hindi ganoon kalalalim upang mas madaling maintindihan ng mambabasa. Ito ay gagawing tuwiran at direkta lalo na’t ang magsisilbing pokus ng pag aaral ay para sa mga kabataan.
Upang bigyang idea ang mga mambabasa ukol sa isyung nabanggit , narito ang ilang halimbawa ng sitwasyon na may kaugnayan sa isyu. (1) MAHARANI MARTA SATUITO - WIKANG FILIPINO BILANG KASANGKAPAN SA PAGLINANG NG PAMBANSANG KULTURA TUNGO SA PAGKAKAKILANLAN; Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? “Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang kasangkapan sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.” (2) Kimberly Q. Querubin - Ang Panahon ng mga maka-MON, Ajejeje ayon sa kanya ; “Usong-uso ang paggamit ng mga salita o katagang, “ajejeje”, “3ow f0usz”, “akekeke”, “pagoda lotion na aketch”, at “lafangin na itech”. Kung sa isang dayuhan, ito ay maiisip na salita ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang mga wikang ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipino. Isa rin itong paraan upang maipakita na buhay ang ating wika at patuloy itong nadaragdagan ng mga bagong salita. Isa ring daan upang maipahayag ng mga tao, lalo na ang kabataan, kung ano ang nais nilang ipaabot sa kanilang sariling malikahaing paraan. Minsan, kahit na nasa isang pulong o klase ang isang estudyante, hindi niya maiiwasang gumamit ng mga salitang Jejemon o Bekimon. Hindi ito magandang tignan o pakinggan dahil naipapakita lamang na mas nabibigyang pansin at mas inaalala ang mga salitang mula sa –mon language kaysa sa mga salitang mula sa wikang Filipino. Nakakalimutan na ng mga kabataan na bigyang halaga at respeto ang sarili nating wika (3) Sa isang balita kamakailan, sinubukan ang ilang mga kabataan na tanungin ng isnang reporter kung ano ang ibig sabihin ng salitang “yamot”. Kakaunti lamang sa kanila ang nakasagot ng tamang kahulugan nito. Kung ang tanong siguro ay kang ano ang kahulugan ng “badtrip” o “buraot” mas malamang na masasagot nila ito. Sa paliwanag ng ilang mga guro, nagbabago ang wika at ang mga gamit ng salita sa paglipas ng panahon. Ito ang ontolohiya ng ebolusyon ng wika. Ang purismo o paggamit at pagsalin ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas naging mahirap para sa marami, maging sa mga pantas. Sa ganoong kundisyon, naging limitado ang sana’y pagpapayaman ng wikang Filipino. Ang purismo ay napakalayo sa likas na pag-unlad ng wika, kapagdaka’y nagmimistula itong banyaga sa tenga at dila ng mga Pilipino. (4“Late ka na naman, 7:30 na. Bakit ba kasi nagpupuyat ka online at hindi mo i-alarm ang relo mo?” Ilang salitang halaw ang maluwag na naipaloob sa dalawang pangungusap na ito? Sumusunod pa rin ang pangugusap sa nakigisnang balarila, ngunit ang mga salitang dayuhan ay kagyat na nagagamit na halos walang kaibahan. Sa pormal na instruksyon, dapat ito ay sinasabi na – “Mahuhuli ka naman, ika pito’t kalahati na ng umaga. Bakit kasi nagpupuyat ka —- at hindi mo mapakuliling ang iyong orasan? ”


BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
            Ang konseptong papel na ito ay nagbibigay daan upang mabigyang pansin ang Wikang Pilipino. Makakatulong ito upang hikayatin ang mga mambabasa na muling buksan ang kaisipan sa paggamit ng wika ng bansa. Magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga mambabasa lalo’t higit ang mga kabataan sa ngayon sa kung ano ang magiging epekto ng modernong wika sa kultura kung patuloy itong gagamitin. Dahilan dito, inaasahan na ang adbokasiyang ito ay magsisilbing daan upang muling gamitin ng mga Pilipino ang pormal na wika ng bansa. Inaasahang magiging aktibo ang mga mambabasa nito sa pagpapahayag ng kahalagahan ng wikang Pilipino. Gayundin, ang adbokasiyang ito ay magiging dahilan upang magkaroon ng pagkakaisa sa wikang ginagamit.  

15 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. salamat johana ang galing niyo po nakita ko lahat ng hinahanap ko ^_^

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Pagyamenin ang sariling wika.Naway wag kalimutan naten kung ano at sino tayo.sakit.info

    ReplyDelete
  5. This was my project on filione back when I was in my freshman year. sadly my old acc got corrupted and I needed to delete that account. thank you for reading, hope this help :)

    ReplyDelete
  6. 1xbet korean - Best legalbet
    1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean 1xbet korean. 온카지노 1xbet korean. 제왕 카지노 1xbet korean. 1xbet korean.

    ReplyDelete
  7. Best casinos in the USA that offer video poker - Dr.MCD
    Many poker sites offer video poker to players that offer a 김제 출장마사지 safe 오산 출장안마 gambling environment. 울산광역 출장샵 Most casinos only offer video 김제 출장샵 poker, 세종특별자치 출장샵 and do not offer slot machines.

    ReplyDelete